Kwento ng sugatang sundalo sa Marawi: “Everyday is an encounter day”
Ikinuwento sa Radyo Inquirer ni 2nd Lt. Rex Busilan ang kaniyang naging karanasan sa pagsabak sa bakbakan sa Marawi City.
Si Busilan, at ang kaniyang mga kasamahan mula sa 15th Scout Ranger “Mandirigma” Company ay kabilang sa mga tropa ng pamahalaan na unang sumabak sa Marawi siege.
Ayon kay Busilan, simula day 1 ng krisis, agad na silang pinadala sa Marawi para tumulong sa bakbakan.
Bagaman sanay na sa engkwentro dahil ang kanilang grupo ay nakatalaga sa Sulu, aminado si Busilan na nanibago sila sa bakbakan sa Marawi City na maituturing na urban war dahil sanay sila sa kabundukan.
Kwento ng sugatang sundalo sa Marawi: “Everyday is an encounter day” | https://t.co/XSh8f2ERg2 pic.twitter.com/hfy83iCALU
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 14, 2017
Kwento pa ni Busilan, hindi nila inakala sa umpisa na marami silang makakalaban sa Marawi.
Aniya sa simula inakala nilang hindi kakailanganin na magtungo doon ang buo nilang pwersa, subalit nang dumating na sila sa lungsod, doon nila nalaman ang dami ng kalaban.
Ayon kay Busilan, may mga pagkakataon din na harap-harapan na halos ang kanilang operasyon sa mga kalaban.
At dahil mga bahay ang kinubkob ng teroristang grupo na Maute, ilang beses aniyang nangyari na mistulang naging magkapitbahay sila ng mga ito – ibig sabihin, ang bahay na pinagkukublihan ng mga sundalo, ay katabi lang ng bahay kinaroroonan ng kalaban.
Ayon kay 2Lt. Rex Busilan, hindi nila inasahan ang dami ng kalabang dinatnan nila sa Marawi City | https://t.co/XSh8f2ERg2 pic.twitter.com/BflbMvqNep
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 14, 2017
Noong sinawing palad aniya ang isa nilang kasamahan na si PFC Jethro Vincent Carlos, binaril ito sa likuran ng kalaban na nasa kabilang bahay lang at sa isang maliit na butas ipinadaan ang bala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.