Traffic stoppage, tigil-operasyon ng tren, power at signal interruption, magaganap sa isasagawang shake drill

By Dona Dominguez-Cargullo July 14, 2017 - 09:54 AM

RADYO INQUIRER FILE PHOTO | Shake Drill sa Guadalupe

Magkakaroon ng total traffic stoppage sa kahabaan ng EDSA pagpatak ng alas 4:00 ng hapon para sa isasagawa ng earthquake drill ngayong araw, July 14, 2017.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority, asahan na ng mga motorsita ang matinding pagsisikip ng traffic mamayang hapon dahil metro-wide ang gagawing shake drill.

Pahihintuin din ang lahat ng sasakyan sa EDSA pagsapit ng alas 4:00 ng hapon kung kailan kunwari ay tatama ang magnitude 7.2 na lindol.

Sa Guadalupe at sa Ortigas ang magiging sentro ng drills.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), titigil din sandali ang operasyon ng MRT at LRT kapag may hugyat na ng pagsisimula ng earthquake drill.

Sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na maari ding makaranas ng power at cell phone signal interruption ng aabot sa hanggang limang minuto.

Inaanyayahan ng pamahalaan ang publiko na makiisa sa nasabing drill maging ang mga nasa kani-kanilang mga tahanan lamang.

 

 

 

TAGS: Metro Manila, mmda, NDRRMC, sheke drill, Metro Manila, mmda, NDRRMC, sheke drill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.