Libreng tuition fee, ‘misinterpretation’ lang ayon sa UP-Diliman

By Kabie Aenlle July 14, 2017 - 04:25 AM

 

Nilinaw ng chancellor ng University of the Philippines (UP) Diliman ang nauna nang inanunsyo na suspensyon sa pagkolekta ng tuition fees sa unang semester ng school year 2017-2018.

Ayon kay Chancellor Michael Tan, may mga balita kasing kumakalat na hindi na maniningil ng tuition fees ngayong taon ang UP Diliman.

Gayunman, ani Tan, isa itong misinterpretation sa kanilang desisyon na suspindehin ang koleksyon sa nagpapatuloy pang pre-registration para sa unang semester.

Paglilinaw ni Tan, hindi lang naman ang UP Diliman ang gumawa nito dahil may iba ring state universities and colleges na ganito ang ginawa dahil sa tuition subsidy scheme ng Commission on Higher Education (CHED).

Aniya sa ilalim ng naturang scheme, ipa-prioritize ang pagbibigay ng ayuda sa mga estudyante depende sa kanilang pangangailangan.

Ang ibinigay lang aniyang pondo para sa UP ay P183 million para sa semester na ito, kaya hindi ito sasapat para masaklaw ang lahat ng mga estudyante.

Limitado rin lang aniya ang ayuda sa mga tuition fees lamang, kaya kahit pa ang mahihirap ng estudyante ay kailangan pa ring magbayad ng miscellaneous fees.

Sa pre-registration rin nila malalaman kung ilang estudyante ang mangangailangan ng tuition fee subsidy kaya sinuspinde muna nila ang paniningil sa ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.