Ang pagbibitiw ni Delos Santos ay naganap sa gitna ng paglutang ng panibagong kontrobersiya na umano’y muling pamamayagpag ng drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).
‘Irrevocable’ ang resignation ni Delos Santos at agaran itong epektibo batay sa kanyang isinumiteng letter of resignation kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Ang muling pagkabuhay ng isyu ng droga sa kulungan at naging sanhi upang siya ay maging ‘irrelevant’ sa puwesto, paliwanag ni Delos Santos.
Kamakailan, naghain ng kaso si Delos Santos laban sa isang miyembro ng Special Action Force na nagnakaw umano ng P200,000 at isang tv set sa kapilya ng kulungan.