BuCor chief, nagbitiw sa gitna ng muling paglutang ng drug issue sa Bilibid
Nagbitiw na sa kanyang puwesto ang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si dating Supt. Benjamin De Los Santos.
Ang pagbibitiw ni Delos Santos ay naganap sa gitna ng paglutang ng panibagong kontrobersiya na umano’y muling pamamayagpag ng drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).
‘Irrevocable’ ang resignation ni Delos Santos at agaran itong epektibo batay sa kanyang isinumiteng letter of resignation kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Ang muling pagkabuhay ng isyu ng droga sa kulungan at naging sanhi upang siya ay maging ‘irrelevant’ sa puwesto, paliwanag ni Delos Santos.
Kamakailan, naghain ng kaso si Delos Santos laban sa isang miyembro ng Special Action Force na nagnakaw umano ng P200,000 at isang tv set sa kapilya ng kulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.