FA-50 fighter jets, hindi na muna gagamitin sa Marawi Crisis

By Chona Yu July 14, 2017 - 03:42 AM

 

Itinigil na muna ng Armed Forces of the Philippines ang paggamit ng FA–50 fighter jets.

Ito ay matapos magmintis na naman kamakalawa ang airstrike ng militar na ikinasawi ng dalawang sundalo at ikinasugat ng labingisang pa.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, hindi na muna paliliparin sa Marawi ang 12 fighter jets ng Philippine Air Force habang gumugulong ang imbestigasyon sa sanhi ng pumalpak na airstrike.

Aminado si Padilla na ngayon lang sumablay ang pinakamodernong eroplanong pandigma ng militar mula sa higit pitumpung misyon na ikinasa na nito laban sa mga teroristang Maute.

Kaugnay nito, suapendido rin muna ang piloto na nakadisgrasya sa mga sundalo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.