Senado, iimbestigahan ang pagbabalik-serbisyo ni Supt. Marvin Marcos

By Mariel Cruz July 14, 2017 - 04:31 AM

 

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Senate committee on public order and dangerous drugs sa pagbabalik sa trabaho ni Supt. Marvin Marcos.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, unang linggo ng pagbabalik sesyon ay bubuksan nila ang naturang imbestigasyon.

Magbabalik ang second regular session ng Kongreso sa araw ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.

Una nang kinondena ni Lacson ang utos ng pangulo na ibalik sa serbisyo si Marcos.

Si Marcos ang isa sa mga pulis na kinasuhan ng homicide dahil sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Napamura pa si Lacson nang malaman na ibinalik sa serbisyo si Marcos.

Hindi lamang ni-reinstate Marcos, kundi itinalaga pa ito bilang pinuno ng CIDG Region 12.

Noong nakaraang buwan, ibinaba ng Department of Justice sa homicide ang kasong murder ni Marcos at ng kanyang mga tauhan.

Dahil dito, nagawang makalaya ng mga ito matapos magbayad ng piyansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.