Sen. Ping Lacson napamura sa reinstatement ni Supt. Marcos sa PNP

Inquirer file photo

Isang malutong mura ang namutawi sa bibig ni Sen. Ping Lacson matapos na malaman ang reinstatement ni Police Supt. Marvin Marcos sa serbisyo.

Ayon kay Lacson, hindi pa nga matatawag na reinstatement dahil lumalabas na back-to-duty status lamang sina Marcos at iba pang mga pulis na umano’y sangkot sa pagpatay kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Paliwanag ni Lacson, maituturing na ‘slap on the wrist’ lamang ang 4-month suspension na ipinataw kina Marcos ng PNP Internal Affairs Service.

Base umano sa desisyon ng PNP-IAS, nasa labas umano si Marcos at hindi umano physically present nang maganap ang pagpatay kay Mayor Espinosa sa loob ng Baybay Sub-provincial Jail sa Leyte kamakailan.

Kaninang umaga, itinalaga si Marcos para mamuno sa CIDG Region 12 sa SocSarGen habang ang 15 iba pang kasamahan nito ay idedeploy din sa PNP Region 12 at Region 7 sa Central Visayas

Kahapon, nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang speech sa anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ibabalik sa serbisyo sina Marcos na nakapagsilbi na ng kanilang suspensyon.

Read more...