Supt. Marvin Marcos, balik-trabaho na; pamunuan ang CIDG Region 12
Matapos ang pahayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay mabalik sa serbisyo si Superintendent Marvin Marcos, itinalaga na ito ngayong araw para pamunuan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Soccsksargen region.
Si Marcos, kasama ang iba pa niyang mga dating tauhan sap np-CODG Region 8 ay natanggal sa pwesto matapos ang pagkasawi sa kulungan ni Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay CIDG Director Roel Obusan, maging ang 18 iba pang pulis na nasangkot sa kontrobersyal na pagkamatay ni Espinosa ay balik-trabaho na din at itatalaga sa iba’t ibang unit ng CIDG sa Soccsksargen at Central Visayas.
Ang reinstatement kay Marcos ay kinumpirma din PNP Chief Ronald Dela Rosa.
Ayon kay Dela Rosa, balik na sa kaniyang duty si Marcos.
Ang marching order ni Dela Rosa kay Marcos, “magtrabaho ng mabuti, maayos at ipakitang siya ay isang matinong pulis”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.