70 silid-aralan nasira, 180 na iba pa napinsala ng malakas na lindol sa Leyte

PHIVOLCS PHOTO

Hindi bababa sa 70 silid-aralan ang nasira at nasa 180 namang iba pa ang napinsala ng 6.5 magnitude na lindol na tumama sa Visayas noong nakaraang linggo.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Tonisito Umali, 66 sa mga nasirang silid-aralan ay nasa Eastern Visayas habang 4 naman ay nasa sa Negros Island.

Sa 180 na classrooms naman na nangangailangan ng major repair, 177 dito ay sa Eastern Visayas, at 3 naman sa Central Visayas.

Habang minor repair naman ang kinakailangan ng 714 classrooms sa Eastern Visayas.

Samantala, sinabi rin ni Umali na nananatili pa ring suspendido ang ibang mga klase sa nabanggit na rehiyon at hindi pa alam kung kailan ulit magre-resume ang klase.

Patuloy namang inaalam ng DepEd kung ilang estudyante, teaching at non-teaching personnel ang posibleng nasugatan at nasaktan sa naganap na lindol.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...