Umano’y presensya ng mga teroristang Turkish sa Pilipinas, iimbestigahan ng pamahalaan
Bineberipika na ng pamahalaan ang pahayag ni Turkish Ambassador Esra Cankorur hinggil sa umano’y presensya ng mga teroristang Turkish, partikular ang Fetullah Gulen Movement, sa Pilipinas.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na iimbestigahan ng gobyerno ang mga organisasyon na tumutulong o sumusuporta sa terorismo.
Tiniyak ni Abella na papanagutin ang mga ito, lalo na ang mga mapapatunayang “fronts” para sa mga terorista at sangkot sa mga criminal activity.
Nakikipag-tulungan na rin aniya ang gobyero sa ibang mga bansa upang mapalakas ang paglaban sa terorismo.
Ani Abella, ito ay isang “global threat” na maaaring maresolba kung magtutulong-tulong ang lahat.
Batay kay Ambassador Cankorur, ang Retullah Gulen Movement ay mayroong affiliates sa limampung bansa, kabilang na ang Pilipinas.
Aniya, aktibo ang grupo at ginagamit ang mga paaralan sa Zamboanga at Maynila para mapagtakpan ang kanilang maling gawain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.