Pangulong Duterte, nakiramay sa pagkasawi ng 2 sundalo sa friendly fire sa Marawi
Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya ng dalawang sundalong nasawi sa naganap na airstrike accident habang nakikipag-bakbakan ang tropa ng pamahalaan sa Maute terror group sa Marawi City kahapon.
Sa naturang airstrike, tinamaan na naman ang mga sundalo na nasa ground na ikinamatay ng dalawang sundalo at ikinasugat ng labingisa.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na lubos na nalulungkot ang Malakanyang sa nangyaring friendy fire.
Bumuo na aniya ng isang grupo na magsisiyasat sa airstrike na naging trahedya.
Ayon kay Abella, ang mga namatay na “men in uniform” ay isinakripisyo ang buhay upang gampanan ang kanilang tungkulin, at para sa bandila’t bansa.
Ani Abella, hindi makakalimutan ng pamahalaan ang kabayanihan ng mga sundalo habang tiniyak na magkakaloob ng ayuda at benepisyo sa mga naiwang kaanak at mahal sa buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.