Ormoc City, nakararanas pa rin ng water crisis matapos ang lindol noong Huwebes

By Dona Dominguez-Cargullo July 13, 2017 - 10:49 AM

Temporary shelter sa Ormoc | Ormoc City Govt FB Page

Patuloy na humihiling ng tulong para sa relief operation ang lokal na pamahalaan ng Ormoc matapos ang naganap na malakas na lindol noong Huwebes.

Ayon kay Ormoc Mayor Richard Gomez, nakararanas pa rin sila ngayon ng water crisis dahil nasira ang linya ng kanilang water system bunsod ng malakas na pagyanig.

Ormoc City Govt FB Page

Dahil dito, malaking tulong aniya sa mga apektadong residente ang mga donasyong bottled water.

Labingtatlong barangay sa Ormoc City ang labis na naapektuhan ng lindol at sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaan, mahigit isang libong bahay ang nasira o partially damaged, habang 833 naman ang totally damaged.

Relief operation sa Ormoc | Ormoc City FB Page

Sinabi ni Gomez na sa mga nais tumulong, itinalaga niya ang civic groups kabilang ang Rotary Club of Ormoc Bay at the Lions’ Club para mangasiwa sa pagtanggap ng in-kind donations.

Habang ang Ormoc City Chamber of Commerce naman ang tatanggap ng cash donations.

Maaring ideposito ang cash donation sa Security Bank account, CA-0000-006654-493.

Nagpasalamat din si Gomez sa pribadong kumpanya at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa patuloy na pagbibigay ng donasyon.

 

 

 

 

TAGS: earthquake, Ormoc City, Radyo Inquirer, relief operation, earthquake, Ormoc City, Radyo Inquirer, relief operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.