Magnitude 5.8 na lindol tumama sa North Korea
Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang North Korea.
Ayon sa datos ng US Geological Survey, sa karagatan naitala ang pagyanig na hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala.
Sinabi ni USGS seismologist Julie Dutton, walang indikasyon na man-made ang naganap na pagyanig.
Ang mga nagdaang underground nuclear bomb tests kasi ng North Korea ay nagdudulot ng malalakas na pagyanig ng lupa.
Isang opisyal din ng Pentagon ang nagsabi na wala silang nakitang ebidensya na ang lindol ay mula sa nuclear test.
Unang iniulat ng USGS na magnitude 6.0 ang naitalang lindol pero ibinaba ito sa 5.8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.