2 patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa QC

By Cyrille Cupino July 13, 2017 - 09:15 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Pigeon Alley, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Marlon Picardal, 25 anyos, walang trabaho.

Ayon sa nanay ng biktima na si Mylene, natutulog na sila nang makarinig ng isang putok ng baril.

Nang bumangon siya, tatlo pang sunod-sunod na purok na baril ang kanyang narinig.

Pagsindi niya ng ilaw, dito na niya nakita ang anak na nakabulagta sa may pintuan ng kanilang bahay.

Hindi na rin umano nila nakita kung ilan ang mga suspek.

Ayon naman sa tatay ng biktima na si Frankie, aminado siyang miyembro ng ‘ipit-gang’ ang kanyang anak at nagnanakaw ng cellphone ng mga pasahero sa bus.

Sumuko na rin umano dati sa Oplan Tokhang ang biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng QCPD para mahuli ang nasa likod ng pamamaril.

Samantala, isang lalaki rin ang nasawi matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na ‘Daniel’ na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Mrs. Edna Mangalindan, taga-Caloocan City umano ang biktima, at nakikituloy lamang sa kanilang bahay dahil kakilalala ng kanyang mister.

Kamakailan lamang umano ay sinalakay na rin ng mga pulis ang kanyang bahay.

Nakuha sa crime scene ang tatlong basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo at kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen.

 

 

 

TAGS: crime, drugs, metro news, Oplan Tokhang, queson city, Radyo Inquirer, Shooting Incident, crime, drugs, metro news, Oplan Tokhang, queson city, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.