Suplay ng kuryente sa Leyte, Samar at Bohol, sa Agosto pa maibabalik
Hindi naibalik ang suplay ng kuryente sa tatlong lalawigan sa Visayas base sa naunang estimated date ng restoration kahapon, July 12.
Ayon sa Department of Energy (DOE), maraming nasirang transformers bunsod ng malakas na lindol na naganap noong nakaraang linggo.
Dahil dito, sa July 31 o August 1 na inaasahang magkakaroon ng enerhiya na makapagsu-supply ng kuryente sa Leyte, Samar at Bohol.
Pero nasa 160 megawatts lamang ang maibabalik na enerhiya sa nasabing petsa na 55% lang ng total demand para sa tatlong lalawigan.
Plano na rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na gumamit ng submarine cable para madala ang kuryente mula Cebu patungong Ormoc at sa Kananga Leyte.
Ayon sa NGCP, sa anim na na transformers na nasira dahil sa lindol, isa pa lamang ang gumagana.
Tiniyak ng NGCP na tuloy-tuloy ang 24/7 nilang pagtatrabaho kahit hindi maganda ang panahon sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.