Kapitan de Barangay sa Caloocan, patay sa pananambang

By Jay Dones July 13, 2017 - 04:16 AM

 

Patay ang kapitan de barangay ng Barangay 106 sa Caloocan City matapos itong tambangan ng mga nakamotorsiklong suspek, Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang nasawing biktima na si Franciso Guevarra, na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan at ulo.

Nakunan pa ng CCTV ang aktuwal na pananambang sa biktima pasado alas 5:00 ng hapon, Miyerkules.

Sa kuha ng CCTV, makikikitang naglalakad lamang mag-isa ang biktima sa kahabaan ng 9th Avenue, nang hintuan ito ng mga salarin na nakamotorsiklo at paputukan sa likod ng baril hanggang sa bumulagta ito.

Tila hindi pa nakuntento ang mga salarin, muli pa itong pinaputukan kahit nakahandusay na.

Bagamat nadala pa sa pagamutan, ay idineklarang dead on arrival ang biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.