US Secretary of State, nagtungong Saudi upang tuldukan ang sigalot sa rehiyon

By Rhommel Balasbas July 13, 2017 - 04:14 AM

 

Matapos akusahan ng Saudi Arabia at ng iba pang kaalyadong bansa ang Qatar na sumusuporta ito sa terorismo, nagtungo si US Secretary of State Rex Tillerson sa Jeddah upang subukang resolbahin ang sigalot.

Matatandaang nagpatupad ng economic sanctions ang Saudi Arabia, Egypt, Bahrain at UAE laban sa Qatar dahil umano sa pagsuporta at pagpopondo nito sa isang Syrian terrorist group.

Ang pagbisita ni Tillerson ay naganap isang araw matapos lumagda ang Qatar at US sa isang Memorandum of Understanding na lalabanan ng dalawang bansa ang terorismo.

Umaasa ang US diplomat na makatutulong ang nasabing memorandum upang pahupain ang tensyon sa rehiyon.

Samantala, sa isang joint statement na inilabas ng apat na bansa, sinabi ng mga ito na hindi sapat ang memorandum at magpapatuloy pa rin ang sanctions laban sa Qatar.

Mariin pa ring itinatanggi ng Qatar hanggang sa ngayon na sumusuporta sila sa anumang extremist group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.