Ibinasura ng hukuman ang 58 kasong multiple murder laban sa tatlong akusado sa karumal-dumal na 2009 Maguindanao Massacre dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya laban sa mga ito.
Ipinag-utos ng Branch 221 ng Quezon City Regional Trial Court, ang pagbabasura sa mga kasong kinakaharap nina Kominie Inggo, Dexson Saptula at Abas Anongan.
Ang tatlo ay kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Sa kanyang desisyon, sinabi ni Judge Jocelyn Solis-Reyes na nabigo ang panig ng prosekyusyon na patunayang sangkot ang mga ito sa karumal-dumal na pagpatay.
Dahil dito, kanyang pinaboran ang demurrer to evidence na inihain ng kampo ng tatlong akusado.
Matatandaang nasa limampu’t-walo katao, kabilang na ang 32 mamamahayag ang walang-awang pinatay sa Maguindanao noong November 23, 2009.
Pangunahing akusado sa kaso ang angkan ng mga Ampatuan na na noo’y misulang naghahari sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.