Ang paghahayag ng saloobin nina Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating Solicitor General Florin Hilbay ay kasabay ng paggunita sa unang taong anibersaryo ng desisyon ng Arbitral Court na pumapabor sa PIlipinas sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Carpio, hindi dapat na isantabi ng Pangulo ang desisyon dahil mistula nitong binabalewala ang naging panalo ng Pilipinas sa usapin ng pang-aagaw ng teritoryo ng China sa South China Sea o West Philippines Sea.
Mismong ang United Nations Permanent Court of Arbitration o PCA ang nagsabing may karapatan ang Pilipinas sa naturang lugar ngunit hindi naman ito inaaksyunan ng administrasyon giit pa ni Carpio.
Ayon naman kay Hilbay, mistulang tinanggap na ng kasalukuyang administrasyon ang isang ‘defeatist stance’ sa isyu kahit ang Pilipinas ang siyang pinaboran ng Arbitral Court.