Kawalan ng aksyon ng Duterte admin sa South China Sea dispute, binatikos

By Jay Dones July 13, 2017 - 04:20 AM

 

Dismayado ang ilan sa mga nagsilbing legal team ng Pilipinas na humarap sa Arbitral Tribunal sa the Hague, ang tila kawalan ng interes ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilaban ang karapatan ng bansa sa South China Sea.

Ang paghahayag ng saloobin nina Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating Solicitor General Florin Hilbay ay kasabay ng paggunita sa unang taong anibersaryo ng desisyon ng Arbitral Court na pumapabor sa PIlipinas sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon kay Carpio, hindi dapat na isantabi ng Pangulo ang desisyon dahil mistula nitong binabalewala ang naging panalo ng Pilipinas sa usapin ng pang-aagaw ng teritoryo ng China sa South China Sea o West Philippines Sea.

Mismong ang United Nations Permanent Court of Arbitration o PCA ang nagsabing may karapatan ang Pilipinas sa naturang lugar ngunit hindi naman ito inaaksyunan ng administrasyon giit pa ni Carpio.

Ayon naman kay Hilbay, mistulang tinanggap na ng kasalukuyang administrasyon ang isang ‘defeatist stance’ sa isyu kahit ang Pilipinas ang siyang pinaboran ng Arbitral Court.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.