Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakdang dumating ang karagdagang tulong mula China sa darating na Setyembre.
Noong nakaraang buwan, nasa P370 milyong pisong halaga ng armas at bala ang binigay ng China sa Pilipinas.
Sa kabila nito, itinanggi ng pangulo na nagkaroon na ng military alliance sa pagitan ng China at Pilipinas dahil lalabag ito sa umiiral na Mutual Defense Treaty sa pagitan naman ng bansa at Amerika.
Gayunman, sa aspeto aniya ng ekonomiya at terorismo ay maari naman pumasok ang PIlipinas sa kasunduan sa alinmang bansa.
Ang anunsyo ni Duterte ay nagkataong kasabay sa unang taong anibersaryo ng deklarasyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands na pumapabor sa Pilipinas sa usapin ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Bukod sa China, asahan na rin aniya ng Pilipinas ang tulong rin ng Russia sa mga susunod na panahon.