Matutuloy ang planong pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ormoc City, sa darating na Huwebes o isang linggo matapos ang pagtama ng 6.5 magnitude na lindol.
Ang pagbisita ng pangulo ay inanunsiyo ni Aurora Casimpan ng Philippine Information Agency sa Eastern Visayas sa isang pulong kasama ang ilang local officials.
Hindi naman na binanggit ni Casimpan ang iba pang detalye ukol sa pagbisita ng pangulo sa lungsod.
Nauna nang inasahan ang pagbisita ni Duterte sa Ormoc noong nakaraang Lunes, pero hindi ito natuloy.
Sa halip ay ilang Cabinet officials na lamang ang nakipagpulong sa mga opisyal sa Ormoc na nagbigay naman ng update ukol sa laki ng pinsala na idinulot ng lindol sa lungsod.
Ang naturang lindol ang naitalang pinakamalakas na tumama sa Ormoc City.