15 days deadline para tapusin ang Marawi crisis, tutuparin ng AFP
Purisigido ang Armed Forces of the Philippines na tuparin ang naging assessment ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos na ang giyera sa Marawi city sa susunod na labinlimang araw.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Marine Colonel Edgard Arevalo, gagawin ng militar ang lahat ng paraan para tuluyan nang durugin ang teroristang grupo.
Bilang Commander in Chief aniya, batid ng pangulo ang complexities sa ongoing operation sa Marawi.
Pagtitiyak ni Arevalo, hindi patitinag ang gobyerno na tuparin ang misyon nito at ibalik ang kapayapaan sa Mindanao region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.