Dagdag na mga exit ramps sa NLEX bukas na sa publiko

Inquirer file photo

Isang exit ramp sa Valenzuela City at dalawa pa sa Meycauayan City, Bulacan ang binuksan ng North Luzon Expressway o NLEX.

Ayon sa pangulo at chief executive officer ng NLEX na si Rodrigo Franco, ang bagong southbound exit ramp sa Barangay Lingunan sa lungsod ng Valenzuela ay binuksan na kahapon.

Aniya, layunin ng naturang exit ramp na paluwagin ang Valenzuela interchange kung saan aabot sa halos labintatlong libong mga sasakyan ang dumadaan kada araw.

Dagdag pa ni Franco, maaaring dumaan ang mga motorista sa Lingunan exit papuntang Valenzuela City proer para makaiwas sa mabigat na trapiko sa  Paso de Blas at Karuhatan exit.

Noong June 30 naman binuksan ang northbound exit sa Barangay Libtong at southbound exit sa Barangay Pandayan, parehong sa Meycauayan City, Bulacan.

Layunin ng dalawang exits na pagaangin ang daloy ng trapiko sa Meycauayan interchange at maging mas maayos ang commericial activities ng lungsod.

Umaabot sa P31.5 Million ang ginastos ng NLEX para sa mga bagong exit ramps.

Read more...