43 importers ng bawang, pinapasailalim sa blacklist ng DA

By Jan Escosio July 12, 2017 - 11:48 AM

Iniutos ni Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Piñol na maisailalim sa blacklist ang 43 garic importers sa bansa.

Ito ay matapos ang pag-amin ng kalihim na totoong may nagaganap na cartelization na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng bawang.

Sinabi ni Piñol na ang mga garlic importers na sakop ng blacklist ay mayroong mga import permits pero natuklasan nilang hindi naman nag-aangkat.

Ani Piñol, noong Mayo, pinuna nila ang mga importers dahil nasa P200 na ang presyo ng kada kilo ng bawang noon.

Matapos nilang tawagin ang pansin ng importers ay unti-unti namang bumaba ang presyo ng bawang hanggang sa P120 kada kilo.

Giit ni Piñol, patunay lang ito na kinakamada ng kartel ang presyo at suplay ng bawang sa bansa.
Dinipensahan naman ni Piñol si Bureau of Plant Industry Director Vivencio Mamaril na nagisa nang husto sa isinagawang pagdinig sa Senado, matapos masermunan ni Senator Cynthia Villar.

Aniya personal niyang kakilala si Mamaril at alam niyang malinis at tapat itong naglilingkod.

 

 

 

 

TAGS: blacklist, Department of Agriculture, garlic, Importers, Radyo Inquirer, blacklist, Department of Agriculture, garlic, Importers, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.