Biyahe ng LRT nagka-aberya, mga pasahero pinababa matapos makaamoy ng usok

By Ricky Brozas July 12, 2017 - 11:10 AM

Inquirer.net Photo | Julliane Love De Jesus

Nakaranas ng aberya an biyahe ng Light Rail Transit line 1.

Pinababa ang mga pasahero ng tren sa UN Avenue Station sa Maynila, makaraang makaamoy umano sila ng usok pasado alas 10:00 ng umaga.

Sinasabing problema sa preno ang naging dahilan ng aberya.

Para matiyak ang kaligtasan, inilipat na lamang sa ibang tren ang mga apektadong pasahero.

Makalipas naman ang ilang minuto ay naibalik na sa normal ang biyahe ng mga tren.

Ang LRT line 1 ay may biyaheng Baclaran to Roosevelt at pabalik.

 

 

 

 

TAGS: lrt line 1, Radyo Inquirer, technical problem, train system, transportation, lrt line 1, Radyo Inquirer, technical problem, train system, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.