Pondo para sa treatment at rehabilitasyon ng mga adik, susuportahan ng Kamara
Siniguro ng kamara na nakahanda silang suportahan ang paglalaan ng pondo para sa pagpapatayo ng treatment at rehabilitation centers para sa mga drug users.
Ayon kay House Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers, tugon na rin ito sa kabuuang programa ng pamahalaan na wakasan ang iligal na droga sa bansa.
Sinabi ni Barbers na nakahandang maglaan ng pondo ang Mababang Kapulungan at kada budget hearing ay tinitiyak nilang may budget na nakalaan para sa rehab centers para suportahan ang operasyon at mga kinakailangang facilities dito.
Iginiit nito na kung kailangang dagdagan ang pondo para sa treatment at rehab centers ay handa itong pag-aralan at ibigay ng kamara.
Naniniwala ang mambabatas na tulad ng mga mayroong sakit ay dapat ring gamutin ang mga drug users at huwag basta ituring na isang kriminal.
Sa ngayon hinihintay na lamang ng kamara ang budget proposal mula sa Department of Health para dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.