Aftershocks patuloy na nararanasan sa Leyte

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2017 - 08:59 AM

Simula madaling araw ngayong Miyerkules nakapagtala na ng tatlong aftershocks sa Ormoc City, Leyte.

Ayon sa Phivolcs, alas 2:59 ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.2 sa 24 kilometers south ng Ormoc.

Magnitude 3.0 naman ang naitala alas 3:48 ng madaling araw.
Nasundan naman ito ng isa pang pagyanig na magnitude 2.4 alas 6:02 ng umaga.

Pawang sa Ormoc City ang epicenter ng tatlong pagyanig.

Samantala, ayon sa Phivolcs, kaninang alas 12:58 ng madaling araw din ay niyanig din ng magnitude 3.5 na lindol ang Governor Generoso sa Davao Oriental.

 

 

 

 

TAGS: earthquake, leyte quake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, earthquake, leyte quake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.