Donasyon P3.5M na donasyon, ipamimigay na sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa Marawi City

Sisimulan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipamahagi ang donasyong nakalap nila para sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo sa bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay B/Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, sa susunod na linggo ay ipagkakaloob na ang P35,000 na tulong sa bawat pamilya.

Sa opisyal na listahan, nasa 90 na ang mga tropa ng pamahalaan na nasawi sa bakbakan.

Ayon kay Padilla, kailangan lamang ma-validate ang mga pangalang nasa listahan at sa lalong madaling panahon ay ipamimigay na ang donasyon.

May nakalatag na aniya silang mekanismo para sa maayos na paggamit at pagpapalabas ng pera.

Sa mga nakalap namang donasyon para sa mga internally displaced persons o IDP, ay umabot na ang halaga sa mahigit P766,000.

 

 

 

 

 

Read more...