Kahapon muling tinangka ng mga tauhan ng NGCP na masuplayan na ng kuryente ang Upper Mahiao at Malitbog geothermal power plants ng Energy Development Corporation (EDC).
Bagaman nasuplayan na ng kuryente ang nasabing mga power plants alas 7:20 ng gabi, muli namang nawala ang suplay alas 7:41 ng gabi.
Itinigil din muna ng NGCP ang operasyon dahil sa hindi magandang panahon sa lokasyon ng substation.
Ngayong araw muling sisikapin ng kanilang mga tauhan na maisaayos ang linya upang maibalik ang suplay ng kuryente.
Sa ibang lugar sa Visayas, patuloy ang pagpapatupad ng tig-iisang oras na rotating brownout.
Sa abiso ng Visayan Electric Company o VECO. Kabilang sa mga apektadong ng rotating brownouts ay ang mga barangay sa Talisay City, Minglanilla, Liloan, Consolacion, Cebu City at Mandaue City.