Matapos ang malakas na lindol sa Leyte, operasyon ng 2 geothermal power plant hindi pa naibabalik

By Dona Dominguez-Cargullo July 12, 2017 - 06:39 AM

Bigo pa ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maibalik ang operasyon ng dalawang geothermal power plant sa Leyte.

Kahapon muling tinangka ng mga tauhan ng NGCP na masuplayan na ng kuryente ang Upper Mahiao at Malitbog geothermal power plants ng Energy Development Corporation (EDC).

Bagaman nasuplayan na ng kuryente ang nasabing mga power plants alas 7:20 ng gabi, muli namang nawala ang suplay alas 7:41 ng gabi.

Itinigil din muna ng NGCP ang operasyon dahil sa hindi magandang panahon sa lokasyon ng substation.

Ngayong araw muling sisikapin ng kanilang mga tauhan na maisaayos ang linya upang maibalik ang suplay ng kuryente.

Sa ibang lugar sa Visayas, patuloy ang pagpapatupad ng tig-iisang oras na rotating brownout.

Sa abiso ng Visayan Electric Company o VECO. Kabilang sa mga apektadong ng rotating brownouts ay ang mga barangay sa Talisay City, Minglanilla, Liloan, Consolacion, Cebu City at Mandaue City.

 

 

 

 

 

 

TAGS: cebu, ngcp, power supply, Radyo Inquirer, visayan electric company, Visayas, cebu, ngcp, power supply, Radyo Inquirer, visayan electric company, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.