P25-M, ibibigay ng India para sa Marawi

Magbibigay ng P25 milyon ang India sa Pilipinas bilang tulong sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa inilabas na pahayag ng Indian Embassy sa Manila, nakasaad na nakipag-ugnayan na si Minister of External Affairs Sushma Swaraj kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano kaugnay ng nasabing desisyon.

Ayon sa embahada, ang nasabing donasyon ay bilang pakikiisa sa laban ng Pilipinas kontra terorismo at para na rin makatulong sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

Una nang nag-donate ang China ng P20 milyon para sa relief operations sa Marawi, at P5 milyon naman para sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.

Nagsabi na rin ang European Union na magdo-donate sila ng P49 milyong halaga ng humanitarian aid sa Islamic city.

Read more...