4 na MMDA enforcers, pinuri matapos magbalik ng naiwan na bagahe

 

Pinuri ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang apat na enforcers dahil sa pagbabalik nila ng isang bagahe na aksidenteng naiwan ng isang commuter.

Nakilala ang apat na sina Elmo Barranta III, Benjamin Mapili, Rommil Um at Arnold Malban na pawang mga miyembro ng MMDA Anti-Littering Group.

Ang nakaiwan ng bagahe ay si Geronimo Dalagdag, na nahuli ng MMDA noong Lunes dahil sa paglabag sa anti-littering policy ng ahensya.

Ayon sa mga enforcers, maayos namang tumugon sa kanila si Dalagdag at ibinigay pa nito ang kaniyang ID nang mahuli ito sa dahil sa naturang violation.

Dahil tila nagmamadali, naiwan ni Dalagdag ang kaniyang gamit matapos ang maiksing pakikipag-usap sa tauhan ng MMDA.

Upang matiyak naman ang seguridad ng laman ng bagahe, agad nila itong dinala sa opisina ng MMDA sa Makati City.

Ayon kay MMDA chair Danilo Lim, isa lang itong patunay na marami pa sa kanilang mga tauhan ang may mabuting loob sa pagsisilbi sa publiko.

Samantala, naipadala naman na kay Dalagdag ang kaniyang bagahe.

Read more...