38 kabataang babae, patay sa aksidente sa Swaziland

By Chona Yu August 30, 2015 - 10:59 AM

 

Mula sa Inquirer.net/AP

Patay ang tatlumpu’t walong mga kabataang babae habang dalawampung iba pa ang sugatan matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang truck sa isang kotse sa Swaziland.

Sakay ng open truck ang mga biktima nang bumangga ito sa isang nakahintong Sedan sa kalsada sa bayan ng Mbabane.

Patungo sana ang mga biktima sa traditional ceremony na tinatawag na ‘reed dance’.

Ang ‘reed dance’ ay isang beauty pageant na dinadaluhan ng libu-libong batang kababaihan na mga ‘birhen’o wala pang karanasan sa pagtatalik.

Sa naturang patimpalak, muling pipili ng kanyang mapapangasawa si King Mswati III na isang ‘polygamist’ king.

Nabatid na noong 2013, pumili si King Mswati ng kanyang ikalabing apat na asawa.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.