US, Japan at India, nagsagawa ng naval exercises para sa China

By Rhommel Balasbas July 12, 2017 - 04:20 AM

Dahil sa lumalaking presensya ng China sa mga karagatang sakop ng India, nagsanib-pwersa ang US, Japan at India para sa isang naval exercises.

Nagdeploy ang tatlong bansa ng mga frontline warships, submarines at aircrafts bilang bahagi ng tinatawag na “Malabar exercises” sa karagatan ng Bengal.

Ang Malabar exercises ay war games na isinasagawa ng US at Indian Navies mula pa noong taong 1992 para tugunan ang mga banta sa maritime security sa Indo-Asia Pacific.

Marami umanong Chinese military vessels ang nakikitang unti-unting pumapasok sa karagatan ng India.

Ang naval drills na nagsimula noong Lunes at magtatagal ng isang linggo ay magiging simbolo umano sa commitment ng US sa pagpapanatili ng seguridad ng Asya ayon kay Indian foreign policy specialist Constantino Xavier.

Ito na ang pinakamalaki at kauna-unahang Malabar drill kung saan isinama ang aircraft carriers at nuclear powered ships ng tatlong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.