Phoenix Petroleum, nag-sorry sa matinding trapik na idinulot ng kanilang 10-peso per liter promo

 

FB/Phoenix Petroleum

Maraming motorista ang nakilahok sa ika-10 anibersaryo ng listing ng Phoenix Petroleum sa Philippine Stock Exchange kahapon.

Sa naturang promo, kanilang ibinenta ng P10 lamang ang kada litro ng kanilang petroleum products sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Gayunman, maraming motorista rin ang sumakit ang ulo dahil naging matindi ang epekto sa daloy ng trapiko ang pila ng mga nagnanais na makahabol sa nasabing promo.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin sa publiko ang Phoenix Petroleum dahil sa aberyang naidulot ng kanilang promo.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng Phoenix na 76 lang sa mahigit 500 na gasolinahan lang nila ang kanilang isinama sa naturang promo at nakipag-ugnayan naman sila sa mga lokal na opisyal tungkol dito.

Gayunman, hindi nila inasahan ang naging dagsa ng mga motorista tungkol dito.

Read more...