National ID system, suportado pa rin ng Malacañang
Muling nagpahayag ang Palasyo ng Malacañang ng pagsuporta sa pagpapatupad ng national identification (ID) card system sa bansa.
Kasabay nito ay nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang panukalang Muslim ID scheme ay isa lamang lokal na inisyatibo.
Tulad aniya ng sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa, hindi nanggaling sa mga mas nakatataas na otoridad ang ideya tungkol dito.
Noong nakaraang linggo kasi ay hinikayat ng Central Luzon Provincial Police Office ang 200 na Muslim leaders sa kanilang rehiyon, na magpatupad ng Muslim ID system.
Layon nito na makatulong sa dokumentasyon ng mga barangay na tumatanggap ng mga evacuees mula sa Marawi City.
Tutol naman dito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil maituturing na itong diskriminasyon.
Una nang sinabi ni Abella noong Abril na hindi nila direktang sinasabi na hindi nila sinusuportahan ang Muslim ID system, pero naniniwala silang makabubuti kung magkakaroon ng national ID.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.