Kailangan ko pa ng 15 araw upang malutas ang krisis sa Marawi-Duterte

 

Kailangan pa ng karagdagang labinlimang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ganap na matapos ang panggugulo ng Maute terror group sa Marawi City.

Ito ang binanggit ng pangulo sa kanyang naging talumpati sa Philippine Stock Exchange kahapon.

Binanggit ring muli ng pangulo na nananatiling misteryo para sa kanya kung paano nagawang makapag-ipon ng mga armas at bala ng mga terorista ng mga ito sa Marawi City.

Tuloy rin aniya ang kanyang hangarin na makarating ng Marawi upang kumustahin ang sitwasyon sa lungsod bagamat dalawang ulit nang naudlot ang planong ito.

Sa July 22, matatapos na ang animnapung araw na pagpapairal ng batas-militar sa Mindanao.

Read more...