23 minero na ang patay sa Benguet landslide dahil kay ‘Ineng’

By Chona Yu August 30, 2015 - 10:39 AM

 

Mula sa Benguet PNP

Umakyat na sa dalawampu’t tatlo katao ang nasawi sa landslide sa bayan ng Mankayan, Benguet noong kasagsagan ng pagragasa ng bagyong ‘Ineng’ noong nakaraang linggo.

Ito ay matapos marekober ang isa pang bangkay sa Barangay Taneg sa ilalim ng makapal na lupa at putik na gumuho mula sa kabundukan.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa pitong iba pang nawawala.

Nasa state of calamity pa rin ang Mountain Province, Apayao at Abra dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Ineng’.

Tuluy-tuloy pa ang pang retrieval operations sa pag-asang matatagpuan pa ang mga nawawalang mga minero.

Noong nakaraang linggo, ilang mga bulubunduking lugar sa Mt. Province ang nakaranas ng landslide dahil sa matinding ulan na ibinagsak ng bagyong ‘Ineng’.

Isang small mining area ang bayan ng Mankayan sa Benguet.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.