Nakararaming Pinoy, suportado ang martial law declaration sa Mindanao

By Mariel Cruz July 12, 2017 - 04:28 AM

 

Jeoffrey Maitem/Inquirer Mindanao

Karamihan sa mga Filipino ang suportado ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Ito ang lumabas sa 2nd Quarter survey na inilabas ng Social Weather Stations o SWS.

Sa nasabing survey, lumabas na 57 percent ng mga Pinoy ang nagsabi na tama lamang ang pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao.

Nasa 29 percent lamang ang nagsabi na dapat ay idineklara lang ang Martial Law sa Marawi City at sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Nakasaad din sa survey na 11 percent nagsabi na idineklara ito sa Marawi City, Lanao del Sur at kalapit na mga probinsya, habang 2 percent naman ang undecided.

Lumabas din sa survey na 63 percent ang hindi sang-ayon sa pahayag ni Duterte na dapat din magdeklara ng Batas Militar sa Visayas, habang 23 percent ang pabor at 13 percent ang undecided.

Samantala, 67 percent naman ang hindi pumabor sa pahayag ng pangulo na dapat din magdeklara ng Martial Law sa Luzon, habang 23 percent ang pabor at 13 percent ang undecided.

Noong May 23, isinailalim ni Pangulong Duterte ang buong Mindanao region dahil sa sumiklab na kaguluhan sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.