Pres. Duterte, nagmistulang ‘rock star’ sa unang pagbisita sa PSE

By Isa Avendaño-Umali July 12, 2017 - 04:26 AM

Mistulang rockstar si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kauna-unahang pagkakataon na makapunta sa Philippine Stock Exchange o PSE sa Makati City.

Siya ay dumalo sa 10th Listing Anniversary ng Phoenix Petroleum Philippines sa PSE.

Ang naturang kumpanya ay pag-aari si Dennis Uy, na isa sa biggest campaign contributor ni Duterte noong 2016 presidential elections.

Bagama’t isang oras na late, mainit ang pagsalubong ng mga taga-PSE kay Duterte.

Sa kanyang speech, nagbabala ang pangulo na kayang-kaya niyang sibakin anumang oras ang lahat ng kanyang mga itinalaga sa gobyerno.

Aniya, hindi siya mangangahas na magsibak ng mga miyembro ng gabinete na papasok o masasabit sa kurapsyon.

Pero pagdating sa elected officials, sinabi ni Duterte na tanging supervision lamang ang kanyang magagawa.

Ayon kay Duterte, nais niya na malinis mula sa katiwalian ang gobyerno, lalo’t ito ay isa sa kanyang pangako noong kampanya.

Maliban dito, patuloy aniya ang war against drugs at pasugpo sa kriminalidad sa bansa.

Sa naturang okasyon din, muling pinasaringan ni Duterte si Senador Antonio Trillanes na kanyang tinawag na “hopeless.”

Giit ni Duterte, hindi totoo ang mahigit P200 million sa bank account na kinukwestyon ni Trillanes.

Deklarasyon ni Duterte, handa siyang magbitiw sa pwesto kung mapapatunayan ni Trillanes ang pinalulutang nitong bank account.

Pagkatapos ng kanyang talumpati, nagkaroon ng ceremonial ringing of the bell, na nagsi-signify ng kanyang unang pagtungo sa PSE.

Tila na-enjoy ni Duterte ang ringing of the bell dahil paulit-ulit niya itong pinatutunog.

Nagpaunlak din ng selfie ang presidente sa mga taong nasa loob ng PSE.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.