Mga ‘Maute’ sa Metro Manila, nakararanas na umano ng pambu-bully

By Chona Yu July 12, 2017 - 04:28 AM

 

Youtube/Inquirer.net

Dumadaing na ang ilang indibidwal na may apelyidong Maute dahil sa nagaganap na rebelyon sa Marawi City.

Kahapon Camp Crame ang isang nsgngangalang Omar Maute para umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay sa pagbibigay ng pahayag na ang mga Maute ay mga terorista sa Pilipinas.

Ayon kay Omar, huwag daw sanang lahatin dahil hindi lahat ng may apelyidong Maute ay masama.

Maayos aniya siyang namumuhay dito sa Santa Ana, Maynila subalit mula nang pumutok ang kaguluhan sa Marawi ay nagulo na ang kanilang buhay.

Katunayan apektado na umano ang kanyang negosyo at nabu-bully na rin sa eskwelahan ang kanyang mga anak.

Nagpahayag din ng pangamba si Omar Maute na baka sila ay balikan ng mga kaanak ng mga nasawing sundalo sa Marawi.

Giit din nito ang may kasalanan sa Marawi ay hindi lang mga Maute kung hindi maging ang ISIS.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.