Grab at Uber, pinagmumulta ng tig-P5-milyon ng LTFRB
Pinatawan ng tig-limang pisong multa ng Land Transportation Franchsing and Regulatory Board o LTFRB ang mga transport network companies na UBER at GRAB.
Ito ay dahil sa patung-patong na paglabag sa Terms of Accreditation na inilatag ng ahensya.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, hindi nila pinatigil ang operasyon ng dalawang kumpanya pero kinakilangan nilang magbayad ng multa dahil sa paglabag.
Inatasan din ang uber na magsumite ng updated na listahan ng kanilang operators.
Wala namang ipinataw na multa sa isa pang TNS na u-hop, dahil sumusunod naman daw ito sa mga panuntunan
Samantala, tiniyak ng Grab na hindi nila ipapataw sa pasahe ng kanilang mga pasahero ang limang milyon na multa na itinakda sa kanila ng LTFRB.
Ito ang inanunsiyo ni Brian Cu, country manager ng Grab.
Dagdag pa ni Cu, binabalak pa nilang magpatupad ng mga promo para sa kanilang serbisyo.
Ito aniya ay bilang pasasalamat na rin nila sa naging desisyon ng LTFRB na maipagpatuloy ang kanilang operasyon pati na ng Uber at Uhop.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.