‘Unli-martial law’ magdudulot ng ‘unli-human rights abuse’ ayon sa isang grupo
Nagpahayag ng pangamba ang grupong Karapatan sa posibleng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao na mangangahulugan ng mga kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao.
Giit pa ng grupo, kung matutuloy ang nais nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Defense Secretary Delfin Lorenzana, ay magpapatunay lamang ito ng militarisasyon sa gobyerno.
Banggit pa ng Karapatan, kinokondisyon lang ng dalawang nabanggit na opisyal ang utak ng sambayanan na mabuti kung madudugtungan pa ang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao.
Sinabi din ni Cristina Palabay, Secretary General ng Karapatan na dapat maalala ang mga human rights violations sa ilang taon na martial rule noong rehimeng Ferdinand Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.