Recount sa mga vice presidential votes, posibleng magsimula na sa Agosto

 

Inaasahang magsisimula na sa kalagitnaan ng buwan ng Agosto ang recount ng mga boto sa vice presidential elections.

Ito’y matapos magdesisyon ang Korte Suprema na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal, na pagbigyan ang electoral protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng abogado ni Marcos na si Atty. George Garcia na inaasahang magsisimula na ito sa kalagitnaan ng Agosto ang pangongolekta ng mga ballot boxes, upang matapos ito sa huling bahagi ng Setyembre.

Mauuna aniyang bubuksan ang mga ballot boxes mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental, dahil nakatitiyak silang sa mga lugar na ito nagkaroon ng iregularidad.

Kahapon ay nakumpleto na ng kampo ni Marcos ang 66.02 million pesos na siningil sa kaniya ng Korte Suprema bilang protest fee, upang makausad na ang recount.

Read more...