Francis Tolentino bagong Presidential Political Adviser ni Duterte

Photo: Radyo Inquirer

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino bilang bagong Presidential Adviser on Political Affairs.

Matatandaan na si Tolentino ay miyembro ng Liberal Party at kilalang kaalyado ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Subali’t lumipat sa partido ni Duterte na PDP-Laban noong 2016 presidential elections.

Kumandidato si Tolentino sa pagka-senador, subalit natalo dahil nasa ika-labing tatlong pwesto lamang sa botohan.

Naghain siya ng poll protest laban kay Senadora Leila de Lima, na nasa ika-labing dalawang pwesto sa hanay ng mga nanalong senador noong halalan.

Nakabinbin pa rin ang nasabing protesta sa Senate Electoral Tribunal (SET).

Read more...