40,000 evacuees mula Marawi City, nagkakasakit na

Nag-aalala si Lanao Del Sur Provincial Health officer Dr. Alinader Minalang na  kung mananatili sa evacuation center ang mga bakwit posibleng magkaroon ito ng mga malalang sakit.

Sa ngayon aabot na sa 40,000 evacuees ang nagkakasakit.

Kabilang sa dumadapong sakit ang ubo dahil natutulog sila sa semento at sa malamig na panahon, sinusundan ito ng sakit sa balat dahil siksikan sila at pangatlo naman ang pagtatae.

Narito ang report ni Jong Manlapaz:

Read more...