Mga gustong maging ’Iskolar ng Bayan’ kumuha ng UPCAT

By Erwin Aguilon/Isa Avendaño-Umali August 30, 2015 - 10:13 AM

upcat
Kuha ni Erwin Aguilon

Dumagsa sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City ang mga estudyanteng kukuha ng UP College Admission Test o UPCAT ngayong araw ng Linggo.

Madaling araw pa lamang ay nagpuntahan na ang mga aplikante, at ang iba ay kasama pa ang kanilang mga kaanak.

Bunsod nito, naging mabigat ang daloy ng trapiko sa mga lugar na malapit sa UP Diliman.

Ang UPCAT ay nagsimula na kaninang alas-7:30 ng umaga, sa designated test center sa loob ng UP Diliman Campus.

Sa naunang advisory ng pamunuan ng UP, magkakaroon lamang ng isang testing session ngayong taon, para sa school year 2016-2017.

Kabilang naman sa mga sub-test ng UPCAT ay ang: Language Proficiency (English at Filipino), Science, Math at Reading Comprehension (English at Filipino).

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.