PWDs at seniors may 20% discount na sa airline online bookings

By Erwin Aguilon July 11, 2017 - 02:59 PM

Inquirer file photo

Inaprubahan na ng Civil Aeronautics Board ang pagbibigay ng dalawampung porsyentong discount para sa online booking ng mga airline tickets para sa mga senior citizen at persons with disabilities.

Sa pagdinig ng Technical Working Group ng House Committee on Transportation, sinabi ni Atty. Wirlou Samudio ng CAB legal division na ilalabas na nila ang guidelines para sa pagpapatupad ng diskwento.

Pinaplantsa na lamang anya nila ang teknolihiyang gagamitin ng mga airline companies.

Sinabi ni Samudio na kapag nag-avail ng discount online booking kailangan pa rin itong dumaan sa verification at magpakita ng ID kapag nag-check in na sa paliparan ang isang pasahero.

Kapag napatunayan anyang pineke ang I.D na ginamit sa pagpapabook ay babawiin ang ibinigay na diskwento.

Sa ngayon kasi nakakakuha lamang ng discount ang mga senior citizens at PWDs kapag nagpa book sila ng ticket over the counter.

TAGS: airlines, CAB, pwd, senior citizen discount, airlines, CAB, pwd, senior citizen discount

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.